Friday, January 2, 2009

Ang Layunin ng Blogarutay

Unti unti ng dumudumi ang imahe ng mga blogger sa mata ng ilang media company at maging sa politika. Ilan dito ang pangongopya ng content at hindi accurate ang content. Chika din ngayon ang plastikan at backstaban na nangyayari. Gustong iparating sa inyo ng Blogarutay na wag maniniwala sa mga tsimis at sabi-sabi lamang. At lalong HUWAG maniniwala sa taong matabil ang bibig sa kapwa blogger at exag kung magkwento. Kumbaga, naninira.

Sa libo-libong bloggers sa buong Pilipinas, iilan lamang ang active sa mga event, at nabubuo na rin ang samahan. Ngunit, ang samahan na maganda sa una ay binabalot na nang lumot. Lumot na kung san san tumutubo, madulas, kadiri at kelangan pang buhusan ng muriatic acid baka ito mamatay.

Dito sa Blogarutay, iparinig mo sa kapwa blogger na kinaayawan mu na sa tingin mu eh nararapat garutayin, upang ng sa gayon, kapag ito kanyang mabasa, ay matauhan.

Hoy ikaw nagbabasa, baka may gusto kang ipagarutay! Aba magmadali at magemail ka na sa Blogarutay!